August 28, 2026

Home BALITA Politics

Tito Sen, di pabor papasukin si Lala sa politika

Tito Sen, di pabor papasukin si Lala sa politika
Photo Courtesy: Lala Sotto, TIto Sotto (FB)

Tutol umano si Sen. Tito Sotto na sumabak sa politika ang anak niyang si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto.

Sa latest episode kasi ng “TicTalk with Aster Amoyo” nitong Biyernes, Agosoto 28, sinariwa ni Lala ang bahagi ng buhay niya bago siya mapunta sa MTRCB. 

Matatandaang nanilbihan si Lala bilang konsehal ng ikatlong distrito ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010 at noon namang 2013 hanggang 2022 ay sa ikaanim na distrito ng naturang lungsod. 

Ayon sa MTRCB chairperson, nasa kolehiyo pa lang daw ay lubog na siya sa mga organisasyon at samahan.

Ito umano ang daan para makatrabaho niya ang mga propesor niya na kalaunan ay naniwala rin sa kaniyang kakayahan. 

Politics

'That's fake news!' BJMP, pinabulaanang natumba sa banyo si Sen. Jinggoy

“I just told them, ‘Sir, help me. I want to run for councilor.’ And then they said, ‘Yeah, we will support you. We will help you.’ Then I said, ‘Help me. Maybe we can come up with a recommendation letter addressed to my dad,’” lahad ni Lala.

Dagdag pa ng MTRCB chairperson, “Because ayaw niya. Every time I would bring it up, I would tell him, ‘You know, Daddy, it’s my dream to be a politician like you.’ Talagang stoic is the perfect description; like he didn’t hear everything.”

Bilang strikto at maalagang ama, tila hindi raw nararamdaman ni Tito Sen na ligtas para sa anak niya ang politika.

“I think that's where he was coming from,” sabi ni Lala. “'Cause later on, I asked him why, and he said, for him, hindi safe for a daughter to enter politics. So then, ayaw talaga."

Sa katunayan, kahit pa nga raw ibinibigay niya ang mga recommendation letter mula sa mga propesor niya, hindi raw binabasa ni Tito Sen ang mga ito. 

Pero ayon kay Lala, suportado naman daw siya ng kaniyang mommy na si Helen Gamboa, gayundin ang ate niyang si Apple Sotto.