Isang anunsiyo ang ibinababa ng aktor na si Paulo Avelino para sa lahat ng kababayan at tagasuporta niya.
Sa isang Instagram story ni Paulo nitong Biyernes, Agosto 28, sinabi niyang matapos ang serye ng mga pakikipag-usap at panalangin, aalis daw muna siya sa showbiz industry pagpatak ng Oktubre 31.
“After a lot of prayer nad some hard conversations at home, I'm stepping away from everything effective October 31. The movies, the teleserye, all my endorsements. Everything,” saad ni Paulo.
Dagdag pa niya, "GTA 6 is out November 19. PoE 2 [Path of Exile 2] hits 1.0 on December 11, and they finally added swords. I watched the Extended Look last night and I have not been okay since.
Bukod dito, inabisuhan din ni Paulo ang kaniyang legal counsel na sabihin sa mga nakapilang magdedemanda na sa Marso 2027 na siya magiging available.
"I’ll have 100% GTA completion and a build nobody can touch by then. Sue me at my peak.," dugtong pa ng aktor.
Sa huli, nakiusap si Paulo na huwag daw siyang i-tag sa mga clip. Kasunod nito, tiniyak naman niya ang muli raw niyang pagbabalik.