August 28, 2026

Home BALITA Internasyonal

Daan-daang kataong nawawala sa Nepal, nagmula sa 30 bansa!

Daan-daang kataong nawawala sa Nepal, nagmula sa 30 bansa!
via AP NEWS

Umabot na sa hindi bababa sa 472 katao ang nasawi at mahigit 1,500 ang nawawala matapos ang malalaking flash flood sa border area ng China at Nepal, ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes, Agosto 28.

Ayon sa awtoridad, 3,253 katao na ang nailigtas gamit ang mga helicopter. Mahigit 150 sugatan naman ang dinala sa mga ospital sa Kathmandu at sa mga distrito ng Rasuwa, Nuwakot at Dhading.

Batay sa mga lokal na ulat na kumutisa sa National Emergency Operation Center, kabilang sa mga nawawala ang 113 Nepali tourist, 85 tauhan ng hukbo at pulisya, 161 residente ng Rasuwa at isang residente ng Nuwakot.

Sa China, iniulat ng state media na hindi bababa sa tatlo ang nasawi at 558 ang nawawala sa Gyirong County sa Tibet. Ayon sa Chinese state broadcaster na CCTV, 260 sa mga nawawala ay mga dayuhan. Sinabi rin ng Chinese foreign ministry na halos 100 Chinese citizen ang nawawala sa panig ng Nepal.

Sa India, sinabi ng Ministry of External Affairs na 288 Indian national ang hindi pa nako-contak. Kabilang dito ang 73 taong nagtatrabaho sa isang power project. Ayon sa mga opisyal ng Nepal, maraming Indian tourist ang nasa lugar para sa pilgrimage patungong Mount Kailash sa Tibet, isang banal na lugar para sa mga Hindu.

Internasyonal

Roblox, idadagdag National ID sa kanilang age verification

Samantala, ilang iba pang bansa ang nag-ulat ng mga mamamayang nawawala:

United States

90 Amerikano ang hindi pa natatagpuan; tatlo ang nailigtas at walang naiulat na namatay na Amerikano.

Malaysia

51 Malaysian ang nawawala.

Ukraine

55 Ukrainian ang nawawala, kabilang ang dalawang grupo ng turista at isang babaeng naglalakbay kasama ang foreign tour group.

Australia

39 Australian ang nawawala.

Britain

33 British national ang nawawala.

Canada

25 Canadian ang nawawala.

South Korea

Siyam na South Korean na nagtatrabaho sa pagtatayo ng hydropower plant sa Nepal ang nawawala.

Singapore

Walong Singaporean ang nawawala.

Germany

Walong German tourist ang nawawala.

Russia

Walong Russian citizen ang nawawala.

South Africa

Anim na South African ang nawawala.

Latvia

Anim na Latvian tourist ang nawawala.

Japan

Limang Japanese tourist, kabilang ang mag-asawa at kanilang mga anak, ang nawawala.

New Zealand

Limang New Zealander ang nawawala.

France

Apat na French citizen ang nawawala.

Belgium

Tatlong Belgian ang nawawala.

Spain 

Tatlong Spanish visitor ang nawawala.

Dalawa naman bawat isa mula Italy, Kazakhstan, Portugal, Ireland at Netherlands ang naiulat na nawawala.

Ayon sa Nepal tourism board, tig-iisang nawawala rin mula sa Belarus, Finland, Hungary, Israel, Lithuania, Philippines, Bulgaria, Switzerland, Serbia at Sweden.