August 27, 2026

Home BALITA Metro

Seguridad sa La Salle Greenhills, mas pinaigting kasunod ng natanggap na banta

Seguridad sa La Salle Greenhills, mas pinaigting kasunod ng natanggap na banta
Photo courtesy: La Salle Green Hills

Tiniyak ng pamunuan ng La Salle Greenhills (LSGH) na mas pinaigting na nila ang kanilang mga hakbang sa seguridad habang masusing iniimbestigahan ang natanggap umano nilang “security threat” sa pamamagitan ng isang online messaging platform noong gabi ng Miyerkules, Agosto 26. 

Batay sa pahayag ng LSGH nitong Huwebes, Agosto 27, parte ng kanilang “enhanced security measures” ay ang paglilipat ng mga klase sa “online asynchronous modality” hanggang sa Biyernes, Agosto 28.

Anila pa, mananatiling sarado ang kanilang paaralan sa darating na Lunes, Agosto 31 bilang komemorasyon sa Araw ng mga Bayani. 

Nakatakdang magbalik ang “face-to-face” classes sa paaralan sa Martes, Setyembre 1. 

Sa kasalukuyan, tiniyak ng pamunuan ng LSGH na nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad, kasama ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral. 

Metro

Bilang ng mga namatay sa leptospirosis sa Maynila, umabot na sa 21!

“Proper authorities, including the PNP and local barangay officials, are on-site assisting us and will continue to support us until after our students return to school,” saad ng LSGH. 

Samantala, nananawagan ang pamunuan sa publiko na iwasang mag-repost ng mga larawan at mga hindi beripikadong impormasyon sa social media. 

“Any further updates will be communicated only through our official school platforms. Please refrain from reposting images and releasing unverified information,” panawagan ng LSGH.

Sa kaugnay na ulat, batay sa ibinigay na impormasyon ng Mandaluyong Police sa LSGH, kinumpirma nilang estudyante ang nasa likod ng “security threat” matapos ito magpakilala umano bilang “shooter.”