August 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Talented tapos ganyan hitsura?' Komento ni Lea Salonga kay Stell, umani ng reaksiyon

'Talented tapos ganyan hitsura?' Komento ni Lea Salonga kay Stell, umani ng reaksiyon
Photo Courtesy: via MB, SB19 (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si Broadway Legend Lea Salonga sa pagpapakitang-gilas ni SB19 member Stell Ajero ng talento nito sa pagsayaw.

Sa isang Instagram reels na ibinbahagi ng SB19 kamakailan, mapapanood ang paghataw ni Stell ng “Mi Chico” ni DJ Goja habang naka-shades at black sando na tinernuhan ng pantalon.

“[Y]our chico? ” saad sa caption. 

Napakomento tuloy si Lea sa video. Aniya, “Talented tapos ganyan ang itsura?”

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing komento. Narito ang ilan sa kanilang sey:

Tsika at Intriga

Ispluk ni Makagago: Josh Mojica, Yumi Garcia magkasama sa Thailand?

"diba po? pinagpala yan sa lahat. Sana all na lang talaga kami pero kayo rin po ang galing-galing nyo rin po Pinoy pride"

"Thank you for the compliment Ms. Leah"

"binga miss. Lea, ni Glock 9, may ipagyayabang pero di nagyayabang. Kahit Anu Yan, mahal naming Yan"

"Thank you po sa pag-appreciate kay Stell"

"Omg @stell16_ you made it na talaga si Ms. Lea na 'yan oh! "

"Omg @stell16_ you made it na talaga si Ms. Lea na 'yan oh! "

"hoping na magkita po kayo ng SB19 and maybe have a collab cover song from a Disney Legend yung Reflection or yung A Whole New World for sure ganda ng magiging blending with SB19"

"baka pwede na ang ms lea and sb19 collab"

Sa kabilang banda, napaulat naman ng ilang media outlets na may ilang SB19 fans ang bumatikos umano kay Lea dahil sa nabigyan ng ibang kahulugan ang komento nito sa kanilang idol.

“this been comment has been interpreted differently (naging pulutan na naman si stell) ... ,” saad na lang ng isang netizen. 

Pero may mga dumepensa rin naman para sa Broadway Legend at sinabing wala umanong negatibo sa sinabi nito. 

Matatandaang si Stell ang kasalukuyang main vocalist ng kanilang grupo. Siya rin ang lead dancer at main chreographer.