August 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Elijah Canlas, nagpa-picture sa ICC: 'Bagong tourist spot sa Netherlands!'

Elijah Canlas, nagpa-picture sa ICC: 'Bagong tourist spot sa Netherlands!'
Photo courtesy: Screenshot from Elijah Canlas/X

Usap-usapan ang pag-flex ng award-winning Kapamilya actor at "Y Speak" host na si Elijah Canlas sa mga kuhang larawan habang nasa tapat siya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa post ni Elijah sa kaniyang X account noong gabi ng Linggo, Agosto 23, makikitang nagpa-picture si Elijah sa harapan mismo ng ICC.

Ipinakita rin ni Elijah ang portalet na ginagamit ng mga Pilipinong nagpupunta sa "Duterte Street" para magpakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyan pa ring nasa detention facility ng ICC, dahil sa pagharap sa kasong crimes against humanity.

"bagong tourist spot sa netherlands," mababasa sa caption ng post.

Photo courtesy: Screenshot from Elijah Canlas/X

Tsika at Intriga

Perfect na raw outside! Payo ni Toni Gonzaga kay Jen Oliveros, 'beauty within' naman ayusin

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"naku tuwang-tuwa na naman ang mga DDS niyan hahaha"

"atleast ikaw makakauwi pa ring pinas, ewan ko lang sa isa diyan"

"bakit nandiyan ka? naku maraming magagalit sa 'yo haha"

"Nice one! I-trigger mo pa ang mga DDS...masyado na kasi silang kinain ng kabobohan haha."