August 23, 2026

Home BALITA Metro

NAIA Terminal 1, nag-abiso sa power interruption simula Agosto 24 hanggang 26

NAIA Terminal 1, nag-abiso sa power interruption simula Agosto 24 hanggang 26
Photo courtesy: NAIA

Inanunsyo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magkakaroon ng maikling power interruption ang kanilang Terminal 1 bilang parte ng kanilang preventive maintenance sa electrical equipment. 

Batay sa anunsyo ng NAIA, ang naturang power interruption ay magaganap sa mga sumusunod na araw at oras: 

Lunes, Agosto 24 - 11:30 PM
Martes, Agosto 25 - 4:00 AM at 11:30 PM Miyerkules, Agosto 26 - 4:00 AM 

Saad pa ng pamunuan, tinatayang 10 minuto ang itatagal ng power interruption. 

Habang ang backup power ay mananatiling bukas para sa kanilang essential systems. 

Metro

2 mangingisda, nasagip matapos mawala sa dagat nang 20 oras

Tiniyak din ng NAIA na nakaantabay ang ilan nilang team sa paliparan para mapanatiling maayos ang operasyon para sa mga pasahero.