August 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine Barretto, 'pretty little baby sister' si Kitty Duterte

Claudine Barretto, 'pretty little baby sister' si Kitty Duterte
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Ibinida ng tinaguriang "Optimum Star" na si Claudine Barretto ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte, na tinawag niyang "pretty little baby sister."

Makikita sa Instagram post ni Claudine nitong Linggo, Agosto 23 ang ilang mga kuhang larawan kasama si Kitty at iba pa.

May isang larawan si Claudine kung saan makikitang nakayakap siya kay Kitty.

Pinasalamatan niya si Kitty para sa isang dinner, na hindi niya tinukoy kung saan at kailan.

"With my pretty little baby sister @veronicaduterte thank u for dinner my love," anang Claudine sa caption ng kaniyang post.

Tsika at Intriga

'Utak' ng scam kung bakit nakulong sina Neri at Rufa Mae, natiklo na!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Galit na naman mga bobo nito!"

"Welcome to Davao Dzai Claudine"

"yuck. super disappointing."

"Yuck DDS"

Samantala, hindi naman pumatol si Claudine sa ilang negatibong komentong natanggap niya mula sa mga netizen dahil sa pagpo-post niya ng larawan kasama ang dating presidential daughter.