Inanunsyo ng telecommunications company na Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) Inc. at kanilang wireless unit Smart Communications, Inc. na sisimulan nila ang pag-block sa higit 100 websites na nagpapakita ng footage mula sa mga ginanap na school shootings at iba pang gawaing karahasan.
Binanggit ng PLDT Inc. sa pahayag nila noong Biyernes, Agosto 21 na parte ito ng layunin nilang panatilihing ligtas ang kanilang network sa publiko, partikular sa kabataang patuloy na na-eexpose sa mga bayolenteng content sa iba’t ibang online platforms.
"This is something we do not tolerate. We have decided to ban these kinds of sites preemptively, as soon as they are discovered. Our networks will not be used as a channel for content that glorifies violence and puts our communities, especially our children, at risk,” ani PLDT Chief Operating Officer Butch Jimenez.
Tiniyak pa ng PLDT na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay at koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan, organisasyong nagpoprotekta sa mga bata, at parenting communities para tukuyin ang websites na nagpapakita ng mga bayolenteng content.
Kaya ang pagba-block ay tiyak ding hindi maa-access ng PLDT at Smart subscribers.
"There is no debate to be had here. Content that turns real-world violence into entertainment has no place on our networks and in our society, and we will keep acting decisively every time we find it,” saad ni Jimenez.
Sa pagtatapos ng pahayag, binanggit ng PLDT na ang inisyatibang ito ay batay sa kasalukuyan nilang child protection and online safety programs, na nagba-block din sa websites na nagpapakita ng child sexual abuse contents.