Naispatan ang sweet na tagpo sa pagitan nina Atty. Ferdinand Topacio at showbiz insider Ogie Diaz.
Sa isang Facebook post ni Atty. Ferdie noong Biyernes, Agosto 21, ibinahagi niya ang dalawang litrato kung saan makikita ang pagyakap at paghalik niya kay Ogie habang sila ay parehong nasa isang event.
“Bati na po kami ni Ogie Diaz. Mwa mwa chup chup! ” saad ni Atty. Ferdie.
Dagdag pa niya, “Oh say niyo? Sweet diba? “
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"kadiri yan atty"
"Mas okay nga Yan bati bati s totoong buhay wag n ihalo ang kulay pulitika wlang personalan "
"i unting dumidikit si Topaksyo sa mga Kakampinks hahaha"
"plastic yan Ogie partner "
"Tumitira yan ng patalikod atty wag pakampante"
"Para ka lang din humalik sa asong kakain lang ng suka at ate"
"Atty.idol pwede ba si atty. Guanzon nmn ang ikiss mo at mahigpit na yakapyong parang hindi na kayo pwedeng maghiwalay"
Matatandaang noong Hulyo 2020 ay umapela si Ogie sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para aksyunan ang panlalait ni Topacio kay Angel Locsin.
Sa isang post na ibinahagi ni Ogie noong Hulyo 26, 2020, makikita ang quotation pubmat kalakip ang larawan ni Atty. Ferdie.
"‘Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO sya,” mababasa rito.
Sey tuloy nig showbiz insider sa caption ng post, “Kastiguhin nyo na lang po ang bastos nyong miyembro. Otherwise, talaga lang tino-tolerate nyo ang ganitong uri ng abogado.”
Kapuwa rin nasa magkaibang linya ng politika ang dalawa. Si Ogie ay hayagang tagasuporta ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo habang si Atty. Ferdie naman ay isang Duterte Diehard Supporter.