Isiniwalat ng aktres na si Lovie Poe na nagkaroon daw ng komplikasyon ang panganganak niya sa panganay niyang anak ng mister niyang si Montgomery Blencowe.
Nausisa kasi si Lovi kamakailan sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kung naaalala raw ba niya ang pakiramdam noong una niyang makita ang kaniyang baby.
"I wish it was as magical as how it is in the movies, but then when I first saw my child I couldn't hold her because I had a tough birthing experience," lahad ni Lovi.
"I developed HELLP syndrome, preeclampsia," pagpapatuloy ng aktres. "I was so groggy, and when they asked me, ‘Do you want to hold your baby?’ And I said, ‘I can’t hold her right now because now is not the right time,’ kasi nga I was so out of it, and I wanted to experience that moment beautifully.”
Ayon sa Preeclampsia Foundation, ang ibig sabihin ng HELLP ay Hemolysis, Elevated Liver enzymes and Low Platelets.
Ito raw ay “life-threatening pregnancy complication” na itinuturing bilang variant ng preeclampsia. Kapuwa raw ito nangyayari sa huling yugto ng pagbubuntis o kaya ay matapos manganak ng babae.
Kaya naman nang umayos ang kalagayan ni Lovi at nagkaroon na siya ng pagkakataong makarga ang sanggol ay naging emosyunal siya nang sobra.
"It's like suddenly this rush of flood of emotions of love suddenly came pouring in. I can't even explain it or articulate the feeling,” aniya.
Maki-Balita: Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe
Matatandaang isinilang ni Lovi ang panganay nila ni Montgomery noong Oktubre 2025. Paminsan-minsan, isinasama raw niya ang bata sa kaniyang mga shooting upang matutukan pa rin ito.