August 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Brent Manalo sa kaniyang dating Big Winner: 'I tried to be better!'

Brent Manalo sa kaniyang dating Big Winner: 'I tried to be better!'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Brent Manalo (IG)

Isang makahulugang mensahe ang ipinaabot ng aktor at TV host na si Brent Manalo sa kapuwa niya Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition Big Winner.

Nagkaroon kasi ng pakulo si Unkabogable Star Vice Ganda sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Agosto 22. 

Bilang attendance check, isha-shout-out ng bawat host ang kani-kanilang ex-jowa. At dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, kinakailangan patula ang pagkakabigkas ng shout-out.

“‘Pag sinabi ko ang apelyido, magbibigay ng mensahe o shout-out sa kaniyang ex. At dahil Buwan ng Wika, patula ang pagkakasabi ng bawat linya,” anang Unkabogable Star.

Nagsimula ang shout-out kay Teddy Corpuz hanggang sa dumako kay Brent.

Relasyon at Hiwalayan

Ryan Bang sa naudlot na kasal nila ng ex: 'Di pumayag ang tadhana!'

“To my ex," panimula ni Brent, "siya ang dating big winner. Do you remember the time I tried to be better? Nagulat na lang ako no'ng biglang naging cold ang weather.”

“Kaya heto ako ngayon, ngingiti na lang at alone sa next chapter,” dugtong pa niya.

Matatandaang si Mika Salamanca ang kasama ni Brent na nanalo bilang Big Winner sa PBB: Celebrity Collab Edition noong 2025.

Maki-Balita: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’

Bagama’t walang kinumpirma ang dalawa tungkol sa kanilang romantic relationship, nakitaan sila noon ng chemistry sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Tiniyak pa nga ni Brent kay Mika na maaari siyang sandalan nito kahit nasa outside world na sila pareho. 

Aniya, "Mika, magkaduo tayo sa loob— pero mas masasandalan mo ako ngayon na nasa outside world na tayo. Kakampi mo ‘ko." 

Ngunit si Will Ashley na ang lalaki ngayon sa buhay ni Mika na kapuwa rin nila housemate sa PBB noon. In fact, magkasama pa nga silang dalawa sa Thailand noong Abril 2026.

Maki-Balita: Mika Salamanca, Will Ashley magkasama sa Thailand