Idiniin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi sapat ang pumping stations para wakasan ang problema hinggil sa malawakang baha sa Metro Manila.
Inilahad ito ni PBBM matapos ang kaniyang personal na pagbisita at pag-inspeksyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City nitong Huwebes, Agosto 20, 2026.
Sa media statement na ibinahagi ng Pangulo, ibinalita niya ang pag-i-install ng 13 pumping stations sa rehiyon—ngunit iginiit niyang kulang pa rin ito upang solusyunan ang pagbaha, gayundin ang isyu sa basura.
“Because of climate change, because of the increase in volume of rainfall that has been coming to the Philippines and will come in the future, we are installing additional pumping stations. And those pumping stations are in and around Manila. I think altogether we will have 13—13 additional pumping stations which we should have in place by the end of this year or the beginning of next year. Most of them should be in place already,” saad ni PBBM.
Pero giit niya, “But again, that does not solve our problem with garbage. And so, that is why we are here trying to find ways to dispose of the garbage in an environmentally friendly way. That’s why they are creating compost, none of the organic waste goes to waste as [garbled]. Lahat ng organic waste nagagamit. It is all of the other inorganic waste that is being thrown into our systems. ‘Yan ang—diyan tayo nagkakaproblema.”
MAKI-BALITA: Pag-install ng 13 additional pumping stations, ikakasa sa Metro Manila—PBBM
Anang Pangulo, kinokonsidera din nila ang waste-to-energy project kaugnay sa nabanggit na isyu.
“And that’s what we are trying to attend to now with our waste-to-energy programs which as I’m sure you have heard, the Department of Energy (DOE) is already starting to auction. So, nagbi-bid na sila tungkol doon sa waste-to-energy project. Mas medyo mabilis naman ‘yan, at ‘yong waste-to-energy it should be…. As long as the financing is fixed and is available, I think we will be able to put those into action by next year,” anang Pangulo.
Pero para sa kaniya, nakikita pa rin nilang pinakaunang problema rito ay ang basura.
“Siyempre ang nakikita natin problema, number one, ‘yong basura ulit. Kasi, kaya’t ‘yan ang tiningnan natin, okay naman, malakas naman ‘yong mga bomba natin, umaandar naman silang lahat. Pero ang nagiging problema pa rin ay ‘yong pagpasok ng basura. Kaya’t naghahanap tayo ng mga iba’t ibang pamamaraan upang magamit ‘yong basura. At ‘yan, ginagawang compost, ginagawang paso na organic, at saka—tapos ‘yong, pero ‘yong iba, kailangan talagang itapon sa landfill,” aniya.
“Kaya’t ‘yon ang kailangan nating ayusin talaga. Kahit na maganda ang ating pumping station, kahit na malakas ang ating mga bomba, kapag nandiyan pa rin, pumapasok pa rin ‘yong basura, siyempre ang efficiency niyan bababa, hindi na masyadong maganda ang takbo. Kaya’t ‘yan ang kailangan natin ayusin ngayon,” dagdag pa ni PBBM.