Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mas mababa na ang tsansa ng pag-ulan sa Metro Manila at sa karatig-probinsya nito.
Sa weather forecast nitong hapon ng Huwebes, Agosto 20, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang ngayo'y low pressure area na si "Neneng." Wala na itong magiging direktang epekto sa bansa.
Ang kasalukuyang nagpapaulan pa rin partikular sa Northern Luzon ay ang southwest monsoon o habagat.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay mas mababa na ang tsansa ng mga pag-ulan. Habang mainit na panahon naman ang nararanasan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, binabantayan ng weather bureau ang isang LPA sa labas ng PAR. Ito ay nasa layong 1,725 East of Northeastern Mindanao.
Ang naturang LPA ay inaasahang magiging tropical depression ngunit ito ay malulusaw rin.
Bukod sa LPA, binabantayan din ng tropical storm "Saudel," sa labas pa rin ng PAR, ngunit may tsansa ito pumasok sa PAR sa Linggo o sa Lunes.
Gayunpaman, pumasok o hindi, posible nitong palakasin ang habagat, na magdadala muli ng maulap na kaulapan at pag-ulan.