August 20, 2026

Home BALITA

Higit 4M food, non-food items inilaan sa posibleng epekto ni ‘Neneng’

Higit 4M food, non-food items inilaan sa posibleng epekto ni ‘Neneng’
Photo courtesy: DSWD


Inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang aabot sa higit 4 milyong food at non-food items bilang tulong sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng Tropical Depression (TD) Neneng.

Batay sa ulat ng DSWD noong Miyerkules, Agosto 19, nakahanda ang 4,170,602 family food packs (FFPs), 322,443 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 274,311 non-food items (NFIs) sa mga warehouse ng ahensya sa buong Pilipinas.

Probinsya

Guidance counselor, patay sa sagasa ng truck!


Ayon pa sa kanila, patuloy ang kanilang monitoring sa lagay ng panahon at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya sa bansa.

“Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakatuon ang DSWD sa maagap na paghahanda para masiguro ang mabilis na response sa oras na mangailangan ng tulong ang mga pamilyang maaapektuhan,” saad ng DSWD.