August 20, 2026

Home BALITA National

'Dota o Ako' singer Vanessa Blanca, pumanaw na

'Dota o Ako' singer Vanessa Blanca, pumanaw na
Photo courtesy: Vanessa Blanca (FB)

Pumanaw na ang singer ng classic popular hit song na “Dota o Ako” na si Vanessa Blanca noong Miyerkules, Agosto 19, 2026. 

Matatandaang tila naging mahalagang parte para sa panahon ng mga Old God (OG) players ng larong Defense of the Ancients (Dota) sa nagdaang humigit-kumulang isa at kalahating dekada ang naturang kanta nina Vanessa kasama ang rapper na si Aikee. 

Inilabas nina Vanessa at Aikee ang “Dota o Ako” noong Setyembre 4, 2011, at pinakinggan ng milyon-milyong mga Pilipino bilang mahalagang parte sa buong Dota players community sa Pilipinas. 

Batay sa pahayag na inilabas ng pinsan ni Vanessa na si Ivy Jubelag sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Agosto 20, isinapubliko niya ang naging pagpanaw ng singer sanhi ng “accidental fall” na nagdulot umano ng severe traumatic brain injury at internal brain hemorrhage.

“With deep sorrow, we share that our beloved Vanessa Blanca Quillo Rangadhol passed away on August 19, 2026, following an accidental fall that caused a severe traumatic brain injury and internal brain hemorrhage,” ani Ivy. 

National

Pangulo, 'walang reaksiyon' sa recantation ni Orly Guteza—Palasyo

Diin pa niya, “Despite efforts to get her immediate medical attention, she sadly passed away.” 

Nanawagan naman si Ivy sa publiko na irespeto ang privacy ng pamilya ni Vanessa. 

“We kindly ask everyone to respect the privacy of her family and keep them in your prayers,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, ibinahagi naman ng rapper na si Aikee ang ilang screenshot sa kanilang music video ng “Dota o Ako” sa kaniyang Facebook page at sinabi niyang hindi raw ito ang “spotlight” na hinahangad nilang mga artist. 

“As artists, we dream of being in the spotlight, but this isn’t the kind of spotlight we ever wanted,” aniya. 

Tila hindi rin napigilan ng netizens at tagasuporta ni Vanessa na ibahagi ang kanilang naramdaman sa naturang balita na ito. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ni Aikee tungkol kay Vanessa:

“Madalas laging piniplay noon sa 95.5 na Pinas FM pa noon. Yung Dota O Ako na version ni Vanessa ang laging piniplay lalo na sa programa nila Rick Stryker at Raymond Stone. Nakakalungkot ang nangyari sa kanya and she's young pa naman nya.” 

“Rest and piece ate Vanessa alaala ng highschool ako sa dota o ako sa computer shop” 

“Sayang di nansundan yung dota o ako” 

“halaaaa kinakanta ko palang nung nakaraan” 

“Kumbaga sa drama serye, lumisan sya dahil pinagpalit sa Dota. R.I.P sa bumuo ng aming childhood memories.”