August 20, 2026

Home BALITA Probinsya

Angat Dam water level, tuloy ang pagtaas; umangat ng higit 2 meters!

Angat Dam water level, tuloy ang pagtaas; umangat ng higit 2 meters!
Photo courtesy: MB


Nagpapatuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) nitong umaga ng Huwebes, Agosto 20.

Ayon sa PAGASA, as of 8:00 ng umaga ngayong araw, umangat sa 188.75 meters ang water level ng Angat Dam—mas mataas ng 2.34 meters sa naitalang 186.41 meters noong 8:00 ng umaga ng Miyerkules, Agosto 19.

Ang datos na naitala ng Angat Dam ay higit na sa 160-meter critical mark at minimum operating level nitong 180 meters.

Higit 21 meters na lamang din ay maaabot na nito ang normal high water level ng dam na 210 meters.

Samantala, nakitaan din ng pagtaas sa antas ng tubig ang apat pa sa mga panguhanging dam sa bansa—Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat Dam.

Probinsya

Guidance counselor, patay sa sagasa ng truck!



Umangat ng 0.28 meters ang water level ng Ambuklao; 0.67 meters sa San Roque; 0.63 meters sa Pantabangan; habang 0.39 meters naman sa Magat Dam.

Gayunpaman, bumaba naman ang water level sa Ipo, La Mesa, Binga, at Caliraya Dam.

Bumaba ng 0.60 meters ang antas ng tubig sa Ipo; 0.07 meters sa La Mesa; 0.29 meters sa Binga; samantalang 0.27 meters naman sa Caliraya Dam.