August 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Viral food seller na si Neneng B, magiging 'Nanay B' na!

Viral food seller na si Neneng B, magiging 'Nanay B' na!
Photo courtesy: Neneng B (FB)

Isang bagong yugto ng buhay ang haharapin ng viral food vendor at social media personality na si "Neneng B" o Geraldine Olmos sa tunay na buhay, matapos niyang ipahayag na buntis siya.

Sa isang Facebook post na ibinahagi niya nitong Miyerkules, Agosto 19, makikitang ipinagmamalaki ni Neneng B ang kaniyang baby bump habang nakasuot ng puting long-sleeve top at nakatayo sa harap ng pulang background.

“May bagong chapter sa buhay…” bungad niya sa post.

Sinundan niya ito ng mensaheng, “Isang munting biyaya na unti-unting bumubuo ng pinakamagandang kwento."

Sa huli, hayagang inanunsyo ni Neneng B ang kaniyang bagong papel bilang malapit nang maging isang ina.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, igiit na bumoto nang maayos at tama: 'No Filipino deserves that—yung masalanta ng bagyo'

“Soon-to-be Mommy Neneng B.”

Photo courtesy: Screenshot from Neneng B/FB

Wala nang iba pang detalyeng ibinahagi sa naturang post tungkol sa kaniyang pagbubuntis, kabilang ang eksaktong due date o iba pang detalye hinggil sa kaniyang magiging anak.

Sino si Neneng B?

Nakilala si Neneng B sa social media dahil sa pagbebenta niya ng hotdog sandwich na naging viral online.

Naging inspirasyon sa maraming netizen ang kaniyang kuwento bilang batang negosyanteng nagsikap kumita sa pamamagitan ng pagtitinda.

Dahil sa kaniyang kasikatan, lumawak ang presensya ni Neneng B sa social media at naging isa siya sa mga personalidad na sinusubaybayan ng netizens.

Maki-Balita: Viral food vendor na si Neneng B, nilinaw punto ng 'Ma, anong ulam?'