August 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, igiit na bumoto nang maayos at tama: 'No Filipino deserves that—yung masalanta ng bagyo'

Vice Ganda, igiit na bumoto nang maayos at tama: 'No Filipino deserves that—yung masalanta ng bagyo'
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)

Nagpaalala si Unkabogable Star Vice Ganda sa publiko tungkol sa kahalagahan ng matalino at responsableng pagboto, kasunod ng mga problemang kinakaharap ng maraming Pilipino dahil sa mga bagyo, pagbaha at iba pang suliranin sa bansa.

Sa Tuesday episode ng noontime show na "It’s Showtime," ipinagdiinan ng TV host-comedian na may malaking papel ang mga botante sa pagpili ng mga lider na mamumuno sa bansa.

Nasabi ito ni Vice Ganda dahil sa nararanasang matinding pag-ulan na nagdudulot naman ng malalang pagbaha sa ilang mga lansangan.

“Bumoto tayo nang maayos. Bumoto tayo nang tama," giit ni Meme Vice.

Ipinaliwanag ni Vice na maraming bagay ang maaaring magbago depende sa mga desisyong ginagawa ng mga Pilipino tuwing halalan.

Tsika at Intriga

Viral food seller na si Neneng B, magiging 'Nanay B' na!

“Alam ninyo, yung mga binabaha, di ba? Marami diyang binaha na kaya kayo binaha kasi yung tuyong bahay ninyo bumenta ninyo ng 5,000 nung eleksyon. Di ba? Sa ₱5,000, pumayag kayong pasukin ang bahay ninyo. No Filipino deserves that—yung masalanta ng bagyo," aniya.

Bagama’t walang partikular na kandidato o personalidad na binanggit sa kaniyang pahayag, malinaw ang panawagan ni Vice Ganda na maging mas mapanuri ang mga botante sa pagpili ng kanilang mga ihahalal.

Ipinunto rin niya ang umano’y koneksiyon ng mga desisyon sa panahon ng eleksyon sa mga problemang maaaring maranasan ng publiko sa mga susunod na taon.

Matatandaang isa si Vice Ganda sa mga celebrity na nangangalampag sa pamahalaan para ikulong ang mga opisyal na kurakot na sangkot sa malalang korapsyon, lalo na sa maanomalyang flood control projects.