August 19, 2026

Home BALITA

Lebel ng tubig sa 7 dam, bahagyang umangat; 2 bumaba!

Lebel ng tubig sa 7 dam, bahagyang umangat; 2 bumaba!
Photo courtesy: MB


Naitala ang kaunting pagtaas sa water level ng pitong pangunahing dam sa bansa as of 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Agosto 19, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kasunod ito ng pagbuhos ng malakas na ulang dulot ng southwest monsoon sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, kabilang na sa Metro Manila at mga karatig-probinsya nito.

Ayon sa PAGASA, nakitaan ng bahagyang pag-angat sa lebel ng tubig ang Angat Dam, Ipo Dam, La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Magat Dam.

Tumaas sa 186.41 meters ang water level sa Angat Dam ngayong araw—mas mataas ng 1.55 meters kung ikukumpara sa 184.86 noong Martes, Agosto 18.

Umangat din ng 0.71 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam; 0.23 meters sa La Mesa Dam; 0.23 sa Binga Dam; 0.98 meters sa San Roque Dam; 0.61 meters sa Pantabangan Dam; at 0.07 meters naman sa Magat Dam.

National

Pagtaas ng krimen sa loose firearms, sanhi ng Robin Padilla Law—SILG Remulla



Samantala, may kaunti namang pagbaba sa water level ng Ambuklao Dam, kung saan pumalo ito ng 751.44 ngayong araw—mas mababa ng 0.05 meters sa 751.49 noong Martes.

Bumaba rin sa 286.99 meters ang lebel ng tubig sa Caliraya Dam, mas mababa lang naman ng 0.01 meters sa 287 meters noong nagdaang araw.

Inirerekomendang balita