August 19, 2026

Home SHOWBIZ

Kaartehan ni Kris Aquino, nabawasan na!

Kaartehan ni Kris Aquino, nabawasan na!
Photo Courtesy: Netflix (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si Queen of All Media Kris Aquino sa faney na nag-aabang sa kaartehan niya sa muli niyang pagbabalik bilang Chief Head of Insights and Kontent Analysis (C.H.I.K.A.) ng Netflix Philippines.

Sa inilabas na promotional campaign ng Netflix kamakailan, ipinasilip ang pamilyar na katangian ni Kris sa loob ng editing room para sa marami habang nasa editing room. 

Litaw na litaw pa rin ang kaniyang humor, wit, at pagiging sosy.

“[T]oday I learned sobrang productive pa rin ni C.H.I.K.A. Kris tuwing lunch break! She’s giving more, more, more of her signature style for my local faves in Episode 2!” saad sa caption.

Sey tuloy ng isang netizen sa comment section, “lol. gotta love her trademark kris kaartehan that only she can pull off ”

Teleserye

GGV, pinagtulungang ibalik ng GMA at ABS-CBN!

“[W]ill you believe me if i say i am no longer as ‘maarte,’ kaya lang for the material to work, I need to go back to how I was?” sagot naman ng Queen of All Media.

Dagdag pa niya, “I would love to do a reality show para makita at marinig nyo how much I have tone down, in my opinion, by at least 30%. For most, maarte pa rin, for me, pang-school library na.”

Matatandaang Agosto 7 noong ianunsiyo ng Netflix ang pagbabalik ni Kris Aquino bilang C.H.I.K.A.

Pero bago ito, minsan na rin niyang binuksan ang tungkol sa pagbabalik-telebisyon niya nang magbigay siya ng update tungkol sa kaniyang kalusugan at love life noong Oktubre 2024