August 19, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bela Padilla, pumapag-ibig nga ba ulit?

Bela Padilla, pumapag-ibig nga ba ulit?
Photo Courtesy: Certified Kapamilya (X)

Lumikha ng espekulasyon sa buhay pag-ibig ng aktres na si Bela Padilla ang lumutang na mga larawan kung saan makikitang kasama niya ang lalaking nagngangalang Martin Tan.

Sa X post ng Certified Kapamilya noong Martes, Agosto 18, ibinahagi nito ang nasabing mga litrato kalakip ang caption patungkol sa aktres.

I think, 'what we see is what we get' na. No need to make kulit...But I am genuinely happy for Bela Padilla,” mababasa rito.

Dagdag pa ng X user, “Since I met and talked to her in person (intimate solo mediacon for #BloodVsDuty) and saw how genuine and kind she was, I silently hoped na sana she finds the love na she deserves and sana rin eto na yun. We love you, [Bela]."

Nagbigay naman ng komento si Bela sa post na ito ng Certified Kapamilya.

Relasyon at Hiwalayan

Elijah Canlas, tikom ang bibig sa hiwalayan nila ni Miles Ocampo

Aniya, “Your caption is so sweet!! Thank you.”

Batay sa sagot ng aktres, malinaw na wala naman siyang tinanggi o kinumpirma. Gayunman, bukas pa rin ang Balita sakaling linawin niya ang kaniyang relationship status.

Matatandaang isang taon na rin namang hiwalay si Bela sa dating Swiss boyfriend niyang si Norman Bay. Pero apat na taon din silang nagsama bago sila nagdesisyong tuldukan ang kanilang relasyon.

Sa isang panayam noong Setyembre 2025, sinabi ni Bela na ang rason umano ng kanilang hiwalayan ay ang pagbalik niya sa Pilipinas.

Kaugnay na Balita: Bela Padilla, Norman Bay nagkikita pa rin kahit hiwalay na?