Isa ang Marikina River sa mga binabantayang ilog tuwing umuulan dulot ng bagyo o habagat sa kadahilanang mabilis tumaas ang antas ng tubig nito.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ay may tatlong warning system. Ito ay ang first, second, at third alarm upang magbigay babala sa mga residente na malapit sa ilog o nasa mababang parte ng lungsod.
FIRST ALARM
Itinataas ang first alarm kapag tumaas sa 15 meters ang antas ng tubig. Tuloy-tuloy ang pagtunog ng sirena sa loob ng isang minuto upang magbigay-babala na maghanda na sa paglikas.
SECOND ALARM
Sa second alarm naman pinatutuog ng dalawang minuto ang sirena kapag umabot na ang lebel ng tubig sa 16 meters. Ibig sabihin, kailangan nang lumikas nang maaga.
THIRD ALARM
Sapilitan na ang paglikas kapag nasa third alarm na. Dahil ibig sabihin nito ay umabot na sa 18 meters ang antas ng tubig ng Marikina River. Dito maririnig ang pagtunog ng sirena sa loob ng limang minuto.