August 17, 2026

Home BALITA National

₱7.2 trilyong 2027 nat'l budget, mapagkakatiwalaan!—Rep. Suansing

₱7.2 trilyong 2027 nat'l budget, mapagkakatiwalaan!—Rep. Suansing
Photo courtesy: HOR

Siniguro ni House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mikaela Suansing na ang ikakasa umano nilang alokasyon para sa 2027 national budget ay mapagkakatiwalaan umano ng mga Pilipino.

Sa budget deliberation ng Kamara nitong Lunes, Agosto 17, 2026, iginiit niyang ang mga Pilipino raw ang magiging sentro ng ₱7.2 trilyong national budget para sa susunod na taon.

"In this budget and the years to come, we are bringing the Filipino people back in the center of the budget process where you’re rightfully belong," ani Suansing sa kaniyang talumpati.

Hirit pa niya, "Sisiguraduhin po ng inyong Kongreso na ang budget para sa taong 2027 ay isang budget na inyong mapagkakatiwalaan."

Sa naturang budget, ang ahensya pa rin ng Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng ₱976 bilyon. 

National

Rep. Abante, nabahala: 'Binaha ng pera ang confidential funds!'

Sumunod sa DepEd ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may ₱644 bilyon at Department of Health (DOH) na may ₱353.8 bilyon.

Nasa ikaapat naman na may pinakamalaking alokasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may ₱332.5 bilyon. Habang ₱328.8 bilyon naman ang nakalaan sa Department of National Defense (DND) at ₱302 bilyon naman ang pondo para sa Department of Transportation (DOTr) sa 2027.

Samantala, ayon pa sa DBM, sa 2027 national budget din maitatala ang pinakamababang unprogrammed appropriations (UA) magmula noong 2019 na mayroon lamang ₱111.984 bilyon.