August 16, 2026

Home BALITA

16-anyos na nanapak ng pulis, nakaambang kasuhan!

16-anyos na nanapak ng pulis, nakaambang kasuhan!
Photo courtesy: Unsplash

Sumuko na sa mga awtoridad ang isang 16-anyos na Grade 11 student ilang oras matapos umanong suntukin at masugatan ang isang pulis sa labas ng isang public high schoo;  sa Barangay Granada noong Biyernes, Agosto 14.

Ayon kay Police Capt. Andy Ofalia, hepe ng Police Station 5, kasama ng kaniyang ina ang menor de edad nang magtungo siya sa himpilan at humarap sa pulis na kaniyang nasugatan.

Humingi umano ng tawad ang estudyante at inamin ang kaniyang pagkakamali.

Gayunman, sinabi ni Ofalia na nais pa ring magsampa ng reklamo ang 40-anyos na police master sergeant laban sa menor de edad dahil sa insidente.

Naganap ang insidente nang mapadaan ang mga pulis sa lugar noong tanghalian at makita ang ilang estudyanteng nag-i-skateboard habang may mga estudyante at magulang ding tumatawid sa kalsada.

Probinsya

China, muling nag-rocket launch; debris maaaring bumagsak sa drop zone na nasa katubigan ng PH!

Nilapitan umano ng pulis ang grupo at sinabihang itigil ang pag-i-iskateboard dahil maaari itong magdulot ng panganib at makasagabal sa daloy ng trapiko.

Habang kinakausap ng pulis ang isa pang estudyante, isang miyembro umano ng grupo ang biglang sumalakay at sinuntok siya gamit ang brass knuckle.

Nagtamo ng sugat sa ilalim ng kaniyang kaliwang mata ang pulis dahil sa pananakit.

Matapos sumuko, dinala ang 16-anyos sa pangangalaga ng Social Development Center, na tumutugon sa mga kaso ng children in conflict with the law (CICL).

Patuloy namang inaasikaso ng mga awtoridad ang kaukulang proseso kaugnay ng insidente.