August 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rocco Nacino, napapangitan sa malaking pwetmalu niya; bet pabawasan!

Rocco Nacino, napapangitan sa malaking pwetmalu niya; bet pabawasan!
Photo courtesy: via MB

Inamin ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na isa sa kaniyang insecurities ang kaniyang malaking puwet, na aniya’y medyo malaki para sa kaniyang paningin.

Sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Biyernes, Agosto 14, naging bukas si Rocco tungkol sa kaniyang body insecurity at ibinahagi niyang naitanong na rin niya kung paano maaaring mabawasan ang laki ng kaniyang puwet.

“Kung hindi n’yo alam, ako’y very insecure sa aking balakang," pag-amin ni Rocco.

"Para sa akin, pangit tingnan na medyo malaki ang puwet ko. As in, nag-inquire na ako kung paano magpabawas ng puwet.”

Dahil dito, napapangiti umano si Rocco kapag napag-uusapan ang kaniyang katawan.

Tsika at Intriga

Pag bagong gising, wag biglang tumayo paalala ng nabagok na ex-PBB housemate

Agad namang nagkomento si Tito Boy matapos marinig ang pag-amin ng aktor.

“Ah talaga? Ang iba kasi nagpapadagdag.”

Ipinaliwanag naman ni Rocco na maging ang kaniyang misis na si Melissa Gohing, may naging komento tungkol sa kaniyang puwet.

“’Yon nga po ang sabi ng asawa ko eh, ‘Yung iba nga nagpapadagdag pa eh, bakit mo ipapabawas ’yan?’”

Dahil dito, sinabi ni Rocco na unti-unti niyang natututuhang tanggapin ang kaniyang katawan.

“So, doon ko nasasabi na, ‘Okay, siguro dapat tanggapin ko ’to.’”

Gayunman, aminado siyang mayroon pa rin siyang “medyo konting alalay” pagdating sa pagsusuot ng pantalon.

“Medyo konting alalay lang sa pagsukat ng mga pants. Kasi hindi lahat okay sa akin.”

In fairness naman kay Rocco, isa sa mga asset niya ang kaniyang bubble butt ha!