Hindi napanalunan ang ₱206.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong gabi ng Biyernes, Agosto 14, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Walang nakahula sa winning numbers ng Ultra Lotto na 28-33-10-12-22-23 na may jackpot prize na ₱206,672,120.91.
Samantala, wala ring nanalo sa ₱15,000,000 jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola rin noong Biyernes. Walang nakakuha sa winning numbers na 29-34-32-09-38-19.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga papremyo sa susunod na draw.
Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo, habang ang Mega Lotto ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.