August 14, 2026

Home BALITA Probinsya

PNR, wala umanong pananagutan sa lolang nabangga ng tren nila!

PNR, wala umanong pananagutan sa lolang nabangga ng tren nila!
Ph

Patay ang isang 67-anyos na babae matapos mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang sinasakyan nitong motorized trolley sa Pagbilao, Quezon.

Ayon sa paunang imbestigasyon, naganap ang insidente habang bumibiyahe patungong Lucena City ang tren ng PNR. 

Nasa pakurbang bahagi umano ng riles ang trolley nang mangyari ang aksidente.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara na siyang dead on arrival dahil sa tinamong mga pinsala, habang ligtas naman ang operator ng trolley.

Sinabi ng pulisya na posibleng hindi agad nakita o narinig ng operator at ng biktima ang paparating na tren dahil sa makakapal na mga puno sa gilid ng riles.

Probinsya

Lalaking 102-anyos, patay matapos umanong itulak pababa ng 'stage!'

Ayon sa mga ulat, may right of way ang PNR sa riles kaya wala umanong pananagutan ang tren sa nangyaring insidente.

Gayunman, sinabi ng pamunuan ng PNR na magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng nasawing babae.

Nauna nang napaulat na nangyari ang insidente sa Barangay Pinagbayanan, Pagbilao, at naitala rin ang matinding pinsala sa katawan ng biktima.