August 15, 2026

Home BALITA National

Pilipinas, walang balak lumayo sa China—PBBM

Pilipinas, walang balak lumayo sa China—PBBM
Photo courtesy: File photo

Hindi umano lumalayo ang pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa China sa kabila ng patuloy na tensyon at hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea.

Ito ang paglilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang panayam ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon sa Maynila nitong Biyernes, Agosto 14.

Ayon kay Marcos, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China, partikular sa larangan ng ekonomiya at iba pang usaping kapwa nakikinabang ang dalawang bansa.

"I don't think that that's in any policy statement that we are distancing ourselves from China. We are continuing to find many instances where we are very much in cooperation with China," ani Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang malaking papel ng China bilang economic partner ng Pilipinas.

National

Gobyerno, wala raw gagastusin sa Pax Silica

"China is one of the biggest investors still in the Philippines,” saad pa ng Pangulo.

Binalikan din ni Marcos ang naging pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China nang sumiklab ang giyera sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, isa ang China sa mga bansang nakipag-ugnayan sa Pilipinas kaugnay ng sitwasyon, kung saan naging praktikal at propesyonal umano ang pakikipag-usap ng dalawang panig.

"China was one of the countries the Philippines engaged with," ani Marcos, at iginiit na isinagawa ang naturang ugnayan sa "a purely practical, business-like, professional level,” aniya pa.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi isinama sa naturang mga pag-uusap ang magkabilang panig na mga claim sa West Philippine Sea.

"And all of these, shall we say, conflicting claims in the West Philippine Sea simply did not enter into that discussion. And so the idea that we are somehow distancing ourselves from China, quite the contrary," dagdag ni Marcos.

Patuloy namang umiiral ang magkabilang territorial at maritime claims ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, habang nananatili ring aktibo ang pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng mga insidente at tensyon sa pinag-aagawang karagatan.