Iniulat ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) na as of 8:00 ng umaga nitong Biyernes, Agosto 14, umabot na sa 180.10 meters ang water level ng Angat Dam.
Lampas ito ng 0.10 meters sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Kung ikukumpara naman sa talang 178.79 meters noong 8:00 ng umaga noong Huwebes, Agosto 13, mas mataas ito ng 1.31 meters.
Batay sa ahensya, ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng Angat Dam ay resulta ng ulang ibinuhos ng southwest monsoon o habagat nitong nagdaang linggo.
Matatandaan ding malayo ang talang ito sa record-low na naiulat ng DOST-PAGASA noong Hulyo 25, kung saan lubhang bumaba ang water level ng dam sa 150.6 meters.
Photo courtesy: MB