Sinunspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Expanded Number Coding Scheme ngayong Biyernes, Agosto 14 dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Kasabay ng suspensyong ito, ipinaalala ng MMDA sa mga motorista na maagap nilang planuhin ang kanilang mga biyahe, pag-iingat sa pagmamaneho, at pagtutok sa mahahalagang update sa lagay ng panahon.
Para sa flood monitoring updates at lagay ng trapiko sa mga kalsada, ipinaalala rin ng MMDA na bisitahin ang kanilang Facebook page o i-dial ang MMDA 136 Hotline.
As of 10:10 AM, nakataas ang Orange Warning sa Metro Manila at ang mga sumusunod na karatig probinsya:
- Zambales
- Bataan
- Pampanga (Lubao, Macabebe, Sasmuan, Masantol, Floridablanca)
- Bulacan (Hagonoy, Paombong, Malolos, Bulakan, Obando, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Calumpit)
- Cavite (Bacoor, Kawit, Imus, Noveleta, Cavite City, Rosario, Magallanes, General Trias, Tanza, Naic, General Emilio Aguinaldo)
- Batangas (Nasugbu, Lian, Tuy, Calatagan, Calaca, Balayan)