Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko hinggil sa nakataas na price freeze para sa lahat ng pangunahing bilihin o basic necessities sa mga lugar na nakadeklara ang state of calamity.
Sa consumer advisory na inilabas ng DTI noong Miyerkules, Agosto 12, bunsod daw ito ng epektong idinulot ng southwest monsoon o habagat, tropical cyclones na Maymay at Inday, at ang anila’y “prevailing dry spell.”
“The Department of Trade and Industry (DTI) reminds the public that a price freeze on all basic necessities is in effect in areas covered by a declared State of Calamity, pursuant to the declaration issued due to the adverse effects of the Southwest Monsoon (Habagat), Tropical Cyclones Maymay and Inday, and the prevailing dry spell,” saad ng DTI sa kanilang abiso.
“This measure ensures that the prices of basic necessities remain stable and accessible to consumers,” dagdag pa nila.
Batay sa anunsyo ng ahensya, “in effect” ang nasabing price freeze sa loob ng 60 araw.
Ilan lamang sa mga lugar na nabanggit sa abiso ng DTI ay ang buong lalawigan ng Pampanga, buong probinsya ng Cavite, munisipalidad ng Montalban sa Rizal, lungsod ng Dagupan sa Pangasinan, at munisipalidad ng Mangaldan sa parehong probinsya.
Kasama rin sa anunsyo ang munisipalidad ng Cordon sa lalawigan ng Isabela, munisipalidad ng Pototan sa probinsya ng Iloilo, at ang mga munisipalidad ng Imelda at Diplahan sa Zamboanga Sibugay.
Photo courtesy: DTI