August 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Mister na nagsarili sa harap ni misis matapos siyang tanggihang bumembang, arestado!

Mister na nagsarili sa harap ni misis matapos siyang tanggihang bumembang, arestado!
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ang isang 54-anyos na lalaki matapos ireklamo ng kaniyang 52-anyos na asawa dahil umano sa malaswang kilos at pamamahiya sa Barangay Tisa, Cebu City.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente noong Agosto 10 habang nasa kanilang bahay ang mag-asawa kasama ang kanilang apo. 

Ayon sa misis, ginising umano siya ng kaniyang asawa at pinilit na makipagtalik, ngunit tumanggi siya dahil nais pa niyang matulog.

Matapos ang pagtanggi ng misis, naghubad umano ang lalaki at saka nilaro ang ari niya sa harapan mismo ng kaniyang asawa.

Sa halip na manatili sa loob ng bahay, lumabas umano ang babae upang bumili ng pagkain sa isang tindahan. Sinundan naman siya ng kaniyang asawa at muli siyang ginulo sa harap ng kanilang mga kapitbahay.

Probinsya

Naga City magso-solar na; sagot sa mataas na presyo ng langis, kuryente

Ayon sa reklamo, hinila umano ng suspek ang suot ng kaniyang misis hanggang sa halos mahubaran na siya, dahilan upang humingi siya ng tulong sa mga barangay tanod.

Agad namang rumesponde ang mga tanod at dinala ang lalaki sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at proseso.

Nais ng biktima na magsampa ng reklamo laban sa kaniiyang asawa dahil sa umano'y paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.

Samantala, humingi umano ng tawad ang suspek sa kaniyang misis at iginiit na nakainom siya nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyan siyang nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad.