Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes, Agosto 13, na nagbuga ang bulkang Kanlaon ng grayish plume na aabot sa 200 metro ang taas.
Batay sa PHIVOLCS, nakuhaan ang nasabing pagbuga ng abo dakong 8:16 ng umaga, gamit ang isang time-lapse footage.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang bulkan.
Base pa sa huling aktibidad ng naturang bulkan, nakapagtala rin ang Kanlaon ng limang volcanic earthquakes.
Dahil dito, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan; pati na rin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok nito.