August 13, 2026

Home BALITA Metro

14-anyos na dalagita, pinagsamantalahan ng ama simula 4-anyos pa lang!

14-anyos na dalagita, pinagsamantalahan ng ama simula 4-anyos pa lang!
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 54-anyos na lalaki na umano’y nanggahasa sa sarili niyang anak na noo’y apat na taong gulang pa lamang.

Naaresto ang suspek na itinago sa pangalang alyas Arnel, isang helper, sa lugar ng Sta. Cruz, Maynila noong hapon ng Martes, Agosto 11 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 124 ng Caloocan City.

Batay sa reklamo, matagal umanong naganap ang pang-aabuso at ilang beses na umano itong inulit ng suspek habang menor de edad ang biktima.

Ayon sa kasalukuyang guardian ng biktima na ngayo’y 14 taong gulang na, nitong taon lamang nila nalaman ang sinasabing pangyayari matapos magsumbong ang nakatatandang kapatid ng biktima.

Nauna rin umanong nagsabi ang biktima sa kaniyang lola tungkol sa ginawa sa kaniya ng ama, ngunit pinayuhan umano siyang huwag nang ipagsabi sa ibang tao.

Metro

Incoming student ng La Salle, nahulog umano mula sa campus building!

Samantala, sinabi ng kapatid ng biktima na umano’y mas nagiging mapang-abuso ang suspek kapag nalalasing at pumapasok sa kuwarto ng bata.

Matapos matukoy ang kinaroroonan ng suspek, nagsagawa ng operasyon ang Warrant-Intel personnel ng MPD Station 3 at tuluyang inaresto ang lalaki.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek kaugnay ng kasong rape.

Batay naman sa pulisya, kabilang ang suspek sa Top 10 Most Wanted Persons sa antas ng himpilan dahil sa naturang kaso.

Nasa kustodiya na ng MPD ang suspek habang nagpapatuloy ang proseso kaugnay ng kasong isinampa laban sa kaniya.