August 12, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Spider-Man: Brand New Day, pumaldo sa Pinoy fans matapos tumabo ng ₱1B sa takilya!

Spider-Man: Brand New Day, pumaldo sa Pinoy fans matapos tumabo ng ₱1B sa takilya!
Photo courtesy: Contributed photo

Humakot ng bilyong piso sa takilya ang superhero film na Spider-Man: Brand New Day, matapos itong kumita sa Pilipinas ng mahigit ₱1 bilyon sa loob lamang ng 12 araw.

Ayon sa Columbia Pictures, umabot na sa ₱1,055,450,903 ang kabuang kita ng ikaapat na Spider-Man movie na pinagbibidahan ni Tom Holland. 

Nananatili naman sa isang mall sa Mandaluyong City ang may pinakamalaking kinita sa nasabing pelikula na may ₱23,193,075.

Bunsod nito, dalawang record na ang hawak ng Spider-Man: Brand New Day matapos itong kumita ng ₱96 milyon sa opening day nito noong Hulyo 29 at makakuha ng halos kalahating bilyon sa unang limang araw nito sa takilya.

Nakaamba na ring maungusan ng nasabing pelikula ang highest-grossing film sa Pilipinas na Hello, Love, Again na kumita sa buong bansa ng ₱1.6 bilyon.

Pelikula

Jhong Hilario, minura ng netizen!

Habang tuluyan namang nalampasan ng Spider-Man: Brand New Day ang iba pang mga pelikulang Pilipino na tumabo din sa takilya katulad ng Rewind noong 2024 na kumita ng ₱924 milyon, Hello, Love, Goodbye noong 2019 na may ₱880 milyon at The Hows of Us noong 2018 na may ₱810 milyon.