August 12, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Migz, itinanggi 'leadership fund' mula sa DPWH noong SP pa siya!

Sen. Migz, itinanggi 'leadership fund' mula sa DPWH noong SP pa siya!
Photo courtesy: MB file photo

Tahasang itinanggi ni Senate Majority Leader Juan Miguel "Migz" Zubiri ang alegasyon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manny Bonoan na mayroon umanong inilaang pondo para sa infrastructure projects ng mga senador sa ilalim ng liderato niya noong Senate President pa siya.

Sa pahayag ng senador nitong Miyerkules, Agosto 12, 2026, iginiit niyang hindi raw siya kailanman humingi ng listahan ng mga proyekto para pondohan noong siya pa ang lider ng Senado.

"For the record, as Senate President, I never requested, held or handled any list of project requests from senators. I refused to handle any such list,” ani Zubiri.

Paliwanag pa niya, "Wala pong dumaan na proposed budget amendments sa ating tanggapan. Alam ng mga senador yan. Lahat ng request ay coursed through the Senate Committee on Finance."

Matatandaang nito ring Miyerkules  nang igiit ni Bonoan ang naturang pahayag. Aniya, ang bawat senador ay mayroon umanong ₱500 milyong alokasyon habang ang ilan namang may committee chairmanship ay nakatatanggap ng ₱1 bilyon.

Politics

Sen. Raffy, sinupalpal si Sen Pia: 'Never ako nagdrama dito, tumingin muna kayo sa salamin!'

Saad pa ng dating kalihim, pumalo umano ng ₱24 bilyon ang naturang leadership funds sa ilalim ng liderato noon ni Zubiri sa Senado.

Paglalahad pa ni Bonoan, mismong sina Sen. Jinggoy Estrada at dating senador Bong Revilla ang nagsusumite sa kanila ng listahan ng mga proyektong popondohan.

Dagdag pa niya, nagsumite rin daw ng listahan noon sina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla.