August 12, 2026

Home SHOWBIZ

Diego, mentor sa comedy si Michael V.

Diego, mentor sa comedy si Michael V.
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Inamin ng komedyanteng si Diego Llorico na si Michael V. o Bitoy ang itinuturing niyang mentor pagdating sa pagpapatawa.

Sinadya ni Kapuso news anchor Susan Enriquez ang kwarto ni Diego sa GMA Network Center para kapanyamin at itampok sa recent episode ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” kamakailan.

Kasama sa mga naitanong ni Susan kay Diego ay ang impluwensiya niya sa comedy. Dito nga niya nabanggit si Bitoy.

“Malaking kontribusyon? Si Bitoy, siyempre,” saad ni Diego. “Kasi si Bitoy magaling siya talaga. ‘Yong sa timing, pagsusulat, lahat.”

Ayon kay Diego, ang pangagagaya raw  sa kaniya ni Bitoy ang hindi niya makakalimutang karanasan dito.

Tsika at Intriga

Trato ni Jericho Rosales sa utol, kinuwestiyon

“Palagi niya akong ginagaya ‘yong pagsasalita ko. ‘Yong tono, kung paano ako magsalita. Minsan nga, ako pa ‘yong inspirasyon sa mga kanta niya. Mayro’n siyang mga ginawa parody na ako ‘yong nasa video,” anang komedyante.

Matatandaang madalas gamitin bilang subject ng comedy ang hilatsa ng mukha ni Diego at ang makapal niyang nguso. 

Ngunit ayon sa kaniya, keber lang naman daw dahil trabaho lang naman ito.