Nagpaalala ang direktor na si Antoinette Jadaone sa publiko tungkol sa tamang asal o cinema etiquette matapos niyang ibahagi sa social media ang ilang paalala para sa mga manonood ng sine.
Sa kaniyang post noong Martes, Agosto 11, binigyang-diin ni Jadaone na mahalagang igalang ang kapwa moviegoers at ang lugar na pinagdarausan ng pelikula.
“Tandaan po natin opo, may tinatawag tayong cinema etiquette kasi:” saad ng direktor.
“Movie ticket lang nabili natin, hindi buong sinehan, opo," dagdag pa niya.
Ipinaalala rin niya na iba ang sinehan sa sariling bahay kaya dapat panatilihin ang maayos na asal habang nanonood.
“Sinehan po ito, hindi mo sala.”
Sa huli, may pabirong ngunit matalim na banat si Jadaone para sa mga manonood na mahilig sumipa o gumalaw nang sobra sa kanilang upuan.
“E kung yung upuan mo kaya ang sipa-sipain ko???” biro niya.
Photo courtesy: Screenshot from Antoinette Jadaone (FB)
Bagama’t maikli ang kaniyang mensahe, muling binuksan nito ang usapin tungkol sa proper cinema etiquette, partikular ang paggalang sa personal space, upuan at viewing experience ng ibang taong nagbayad din upang mapanood nang maayos ang pelikula.
"Isama na po natin ang sana pagligpit ng mga sariling kalat. Mhie, tapos na tayo sa panahon ng mga alila. Matutong magligpit. Salamat po!"
"Sarap gumawa ng cinema etiquette primer!!!!!"
"4. Wag mong I-announce yung possible na next scene."
"Ayan ginagalit niyo 'di na natutuwa yung babaeng laging tumatawa hmp."
Si Direk Antoinette ang nagdirehe ng tumatak na kauna-unahang teleserye nina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN na "On The Wings of Love" npoong 2015, na sinundan naman ng "Till I Met You" noong 2016.
Siya rin ang nagdirehe ng mga pelikulang "That Thing Called Tadhana" nina Angelica Panganiban at JM De Guzman, at "Sunshine" ni Maris Racal na award-winning naman internationally.