Nawindang ang mga netizen sa kumakalat na video ng Kapuso singer na si Muriel Lomadilla matapos niyang hindi sinasadyang matamaan ng siko ang "junjun" ni Kapuso actor Pancho Magno, na estranged husband ni Kapuso actress Max Collins.
Sa video na naka-upload din sa kaniyang Facebook account, makikitang bumibirit ang Filipina-Nigerian habang nasa isang party nang di-sinasadyang masiko ang hinaharap ni Pancho.
Makikitang tila nasaktan si Pancho pero hindi na lang inalintana, habang hinawakan naman siya ni Muriel sa balikat bilang akto ng pagso-sorry, habang bumibirit pa rin.
Makikita rin sa video ang komedyante at singer na si Kakai Bautista at si Kapuso star Sanya Lopez, na nag-celebrate ng kaniyang birthday.
Nagkasama-sama sila sa Kapuso seryeng "First Yaya" sa GMA Network.
"HAHAHA JUSKO PO PATAWARIN MOKO PANCHO!!!" paghingi ng paumanhin ni Muriel kay Pancho matapos i-share ang viral video.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Baka naman may magcomment pa dito na sana naging siko na lang ako hahaha"
"Na-hit ang high notes hahaha"
"Alog sya mah eh HHAHAHAHA"
"Marami ng pumapangarap na maging siko mo Muriel Lomadilla"
"naka boxer lang ata siya kasi lumundag ih HAHAHAH"
"Basag hahaha"
'May umalog hahaha..."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito si Pancho.