August 11, 2026

Home BALITA Internasyonal

Mga Pinoy sa Colombia, pinag-iingat matapos ang magnitude 7.4 na lindol

Mga Pinoy sa Colombia, pinag-iingat matapos ang magnitude 7.4 na lindol
Photo courtesy: AP Photo/Santiago Saldarriaga


Inabisuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino sa bansang Colombia, matapos yumanig doon ang magnitude 7.4 na lindol noong Lunes, Agosto 10 (oras sa Colombia).

Batay sa paalalang inilabas ng Philippine Embassy in Colombia nitong Martes, Agosto 11 (oras sa Pilipinas), inabisuhan nila ang lahat ng mga Pinoy na apektado ng lindol na maging alerto at maalam hinggil sa nasabing pagyanig.

“All Filipinos affected by the 7.4 magnitude earthquake in Colombia early today, 10 August 2026, are advised to: 1. Stay alert. Be mindful of your personal safety and identify safe spaces for refuge; 2. Stay informed. Monitor news updates and heed reminders of the Colombian government; 3. Maintain a list of emergency contacts. Submit your contact information (name, address, mobile number, email address) to the Embassy,” mababasa sa abiso ng embahada.

Internasyonal

Iran, nagbantang pasasabugin energy fields ng ilang bansa 'pag muli silang inatake ng US!


Batay sa mga ulat, umabot na sa 111 katao ang nasawi bunsod ng magnitude 7.4 na lindol.

Idineklara na rin ang state of national disaster bilang tugon sa epekto ng naturang pagyanig.