August 11, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Boom Labrusca tungkol sa informal settlers: Alisin sa ilog, sa mga gilid-gilid ng dagat, tanggalin lahat!

Boom Labrusca tungkol sa informal settlers: Alisin sa ilog, sa mga gilid-gilid ng dagat, tanggalin lahat!
Photo courtesy: via Boom Labrusca (FB)

Naglabas ng saloobin ang aktor na si Boom Labrusca hinggil sa tone-toneladang basurang naipon sa ilang lugar matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha, kabilang ang mga basurang inanod sa mga daluyan ng tubig patungong baybayin.

Sa kaniyang social media post nitong Martes, Agosto 11, iginiit ni Labrusca na kailangang tugunan hindi lamang ang epekto ng basura kundi pati ang mga dahilan kung bakit patuloy itong naiipon sa mga ilog, estero at malapit sa dagat.

Isa sa mga binigyang-diin niya ang problema sa mga informal settler na nakatira umano sa gilid ng mga daluyan ng tubig.

“Hanggat ang mga Informal settlers ay hahayaan nyo dyan sa tabi-tabi walang mangyayari, alisin nyo po sa ilog sa gilid-gilid ng dagat ang mga iyan," aniya.

Nanawagan din siya para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa ilegal na pagtatapon ng basura, kabilang ang posibilidad ng mas mabigat na parusa.

Tsika at Intriga

Urirat ni Korina: 'Mas kasalanan ba ng tao ang flooding problem natin o ng gobyerno?'

“Tapos taasan nyo pa kungdi mataas gawing kulong ang pagtatapon ng basura.”

Binigyang-halimbawa naman ng aktor ang Marikina City, na aniya ay unti-unting nakapagpatupad ng mga programa para mapanatili ang kalinisan sa lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga residente.

“Yung mga taga-Marikina nagawa nila, inunti-unti nila, nagtulong-tulong, naumpisahan ng magandang programa ni Bayani na maging malinis muna ang kapaligiran, sinunod ng mga tao dahil sila din ang napeperwisyo.”

Gayunman, binigyang-diin ni Labrusca na hindi lamang mga residente ang may pananagutan sa problema sa basura. Aniya, kailangan ding gampanan ng lokal na pamahalaan ang tungkulin nito sa pagpapanatili ng kalinisan at maayos na waste management.

“Dapat ang tao magkaroon na ng malasakit di yung puro negosyo at pagkakakitaan ng lokal... yes po ito po ay problema ng lokal na Pamahalaan ng Barangay nyo.”

Samantala, pinuna rin niya ang maling pag-uugali ng ilan sa pagtatapon ng basura at hinimok ang mga residente na huwag gawing dahilan ang kanilang kalagayan sa buhay para hindi pangalagaan ang kapaligiran.

“Di porket nakatira ka sa squatter ay maging ugaling squatter ka. Yung mga basurang yan kanino po ba galing yan?”

Binalikan din ng aktor ang isang pamilyar na kasabihan na maaaring iugnay sa kasalukuyang sitwasyon:

“Ang basurang tinapon mo babalik din sa'yo.”

Sa huli, kinuwestiyon ni Labrusca kung magiging sapat ang mga flood control project kung patuloy namang nagtatapon ng basura ang mga tao sa mga daluyan ng tubig.

“Anung silbi ng flood Control kung ganyan yung basurang tinapon nyo?”

Bagama't mariin ang kaniyang mga salita, iginiit ng aktor na posible namang magkaroon ng mas maayos na pag-uugali at mas malinis na kapaligiran kung magkakaroon ng malasakit at pakikilahok ang publiko.

"Pwede naman po kasing maging maayos yung buhay ng di ka baboy sa kapaligiran ... di naman porket nasa squater ka ay squating din ugali mo," aniya pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Disiplina ang kailangan!!"

"Tama ubusin ang mga dugyot na 'yan."

"Yep . Mostly sa informal settlers yan Galing."

"Minsan Kahit anong ayos ng protector kung yung mga Tao mismo ayaw makipag tulungan wala din silbe."

"Wala talagang Disiplina ang karamihan sa mga Pilipino tsk."

"Tama po ,Ang mga tao walang takot dahil d napaparusahan mag tapon Ng Kani kanilang basura sa tamang lagayan,Panay reklamo sa gobyerno pero sarili nila d magawang desiplinahin."

Inirerekomendang balita