August 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Mayor Magalong, umapela ng donasyon sa mga naapektuhan ng landslide sa Baguio

Mayor Magalong, umapela ng donasyon sa mga naapektuhan ng landslide sa Baguio
Photo courtesy: Benjie Magalong (FB), Jessa Mardy (PIO Baguio)

Nananawagan ng donasyon si Mayor Benjamin “Benjie” Magalong para sa mga pamilya sa Guisad Surong, Baguio City na naapektuhan ng landslide kasunod ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat. 

Sa Facebook post ni Magalong nitong Lunes, Agosto 10, narito ang essential supplies na ipinapanawagan niya sa publiko: 

- Sanitary napkins

- Adult diapers (medium)

- Toothbrush - Toothpaste

Probinsya

Isang lugar sa Zambales, pansamantalang 'isolated' matapos tangayin ng baha ang tulay nila!

- Sabong panligo

- Shampoo

- Alcohol- Tissue

Sa pagkain naman ay maaari itong “ready-to-eat-meals” o kaya’y naluto na. 

Para sa mga nais mag-donate, maaari itong dalhin sa Mayor’s Office, Baguio City Hall mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM. 

Sa mga may katanungan naman hinggil sa donations, maaaring magpadala ng text message sa mga sumusunod na phone numbers:

- 0909 450 6000

- 0910 202 6948

“No contribution is too small. Your generosity can provide immediate relief and comfort to families affected by the landslide,” ani Magalong. 

Sa hiwalay na update ni Magalong nito ring Agosto 10, binanggit niyang nagpapatuloy ang “search and rescue” operations sa Guisad Surong upang masagip ang mga nabiktima ng landslide, na naganap ng bandang 7:00 PM noong Linggo, Agosto 9. 

Katuwang sa operasyong ito ang responders mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Baguio City Police Office (BCPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Public Order and Safety Division (POSD), at ilan pang volunteers. 

Sa kabuoang 13 na mga naitalang biktima, anim na indibidwal ang patuloy na pinaghahanap.