August 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking nanutok ng baril-barilan sa driver ng mini-jeep, tiklo!

Lalaking nanutok ng baril-barilan sa driver ng mini-jeep, tiklo!
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ang isang lalaki matapos umanong manutok ng baril-barilan sa driver ng isang mini-jeep habang bumibiyahe sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Linggo, Agosto 9, 2026.

Batay sa paunang impormasyon, nakaupo sa front passenger seat ang suspek nang bigla niyang ilabas ang isang bagay na kahawig ng baril at itinutok sa driver habang umaandar ang sasakyan.

Ikinasa pa umano ng suspek ang hawak na baril-barilan, dahilan para matakot ang driver at iba pang pasahero.

Dahil sa pangamba sa kaniyang kaligtasan, agad umanong humingi ng tulong ang driver sa mga tauhan ng Philippine Marine Corps na nakatalaga sa isang checkpoint sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga Marines at pinahinto ang sasakyan. Bago dumating ang mga awtoridad, nakababa na umano ang mga pasahero mula sa mini-jeep.

Probinsya

Estudyanteng umawat sa away-mag asawa, binaril!

Sa isang video na kuha sa insidente, makikitang paulit-ulit na pinasusuko ng mga awtoridad ang suspek habang sinusubukan nilang kontrolin ang sitwasyon.

Makalipas ang ilang sandali, naaresto ang lalaki nang walang naiulat na karagdagang karahasan.

Sa isinagawang paghahalughog, natuklasang hindi totoong baril ang ginamit ng suspek kundi isang plastic na baril-barilan.

Gayunman, nagdulot pa rin umano ito ng matinding pangamba dahil sa itsura ng naturang imitation firearm at sa alegasyong pagtutok nito sa driver.

Dinala sa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang isinasagawa ang dokumentasyon at imbestigasyon sa insidente.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng suspek, ang mga pangyayari bago ang insidente at ang posibleng motibo nito—kabilang na ang tangkang panghoholdap.

Tinutukoy rin ng mga awtoridad kung anong kaukulang kaso ang maaaring isampa laban sa suspek batay sa resulta ng imbestigasyon at mga pahayag ng iba pang saksi.