August 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Isang lugar sa Zambales, pansamantalang 'isolated' matapos tangayin ng baha ang tulay nila!

Isang lugar sa Zambales, pansamantalang 'isolated' matapos tangayin ng baha ang tulay nila!
Photo courtesy: San Marcelino MDRRMO

Dalawang araw nang isolated ang isang barangay sa San Marcelino, Zambales matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog ang pangunahing tulay nito, habang patuloy ang pag-ulan dahil sa habagat.

Ayon sa San Marcelino Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), inanod ng Sto. Tomas River ang Sta. Fe Bridge noong Linggo, Agosto 9, 2026, dahilan upang maputol ang access ng mga residente sa hilagang bahagi ng ilog patungo sa timog na bahagi.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang alternatibong ruta na maaaring gamitin upang maihatid ang tulong at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga residente.

Samantala, nasa 119 residente mula sa mga lugar na apektado ng baha ang lumikas at pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak sa mas ligtas na lugar.

Ayon pa sa MDRRMO, ang mga relief goods na naunang inilagay sa loob ng barangay ay sapat umano para sa pangunahing pangangailangan ng mga residente sa loob ng tinatayang apat na araw.

Probinsya

Dalawang menor de edad, nalunod sa ilog sa Cagayan

Sa Barangay Aglao, 44 residente mula sa 18 pamilya ang inilikas at dinala sa barangay hall.

Samantala, iniulat din ang pagbaha sa ilang bahagi ng Linasin, Linusungan at Consuelo Sur, kung saan umabot hanggang tatlong talampakan ang tubig sa ilang lugar.

Nasira rin ang bubong ng isang bahay sa Linusungan at isa pa sa Buhawen matapos matumbahan ng mga bumagsak na puno.

Batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring umabot sa 100 hanggang 200 milimetro ang rainfall sa Zambales mula Linggo hanggang tanghali ng Miyerkules, Agosto 12.

Dahil dito, patuloy na nakabantay ang mga awtoridad sa posibleng paglala ng pagbaha at iba pang epekto ng patuloy na pag-ulan.