August 09, 2026

Home BALITA Probinsya

Sawa, natagpuang nakahalo sa mga laruan sa Dumaguete City

Sawa, natagpuang nakahalo sa mga laruan sa Dumaguete City
Photo courtesy: BFP Dumaguete City FS NIR (FB screenshot)

Matagumpay na nasagip ng mga awtoridad ang isang sawang nakahalo sa kumpol ng stuffed toys sa Dumaguete City, Negros Oriental, noong gabi ng Miyerkules, Agosto 5. 

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Dumaguete City noong Biyernes, Agosto 7, natagpuan ang sawang nakapailalim sa mga laruan sa isang commercial establishment sa Brgy. Calindangan, Dumaguete City. 

Bagama’t napaliligiran ng maraming mamimili, tiniyak ng BFP na hindi nagdulot ng pagkasugat, pagkasawi, at property damage ang sawa. 

Anila pa, agad nila itong nai-turnover ang sawa sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mas mapangalagaan bago muling mapakawalan. 

Ipinapakiusap naman ng BFP sa publiko na sakaling makakita ng anumang wildlife sa kanilang tahanan o establisyemento, iwasang hulihin ito. 

Probinsya

Lalaking 'di nakahingi ng ₱100, nanaksak ng pamangkin!

Bagkus ay lumayo at agad na tumawag sa emergency responders upang makuha ito.