August 09, 2026

Home BALITA Metro

Delivery rider, patay matapos mabagsakan ng puno at poste sa Antipolo

Delivery rider, patay matapos mabagsakan ng puno at poste sa Antipolo
Photo courtesy: Jun-Andeng Ynares (FB)

Nasawi ang isang delivery rider matapos siyang mabagsakan ng puno at poste ng kuryente sa Circumferential Road sa Brgy. San Roque, Antipolo City nitong Linggo, Agosto 9. 

Batay sa pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Andeng Ynares, nakikisilong ang driver sa kasagsagan ng ulan nang mabagsakan siya ng puno at poste. 

Dahil dito, nagsagawa ng clearing operations ang rescue at response teams Circumferential Road at agad na isinugod ang rider RPHS Antipolo Annex 2 upang mabigyan ng medikal na atensyon. 

Sa kasamaang palad, nasawi ang delivery rider. 

Sa kasalukuyan, hinihintay ng Antipolo local government unit (LGU) ang pagdating mga kaanak ng rider  mula sa Pasay, Laguna, at Catanduanes. 

Metro

Nagibang pader ng Forbes Park, iimbestigahan kung government o private project!—MMDA

Inihayag pa ni Ynares na mula sa ospital, susunduin ng Antipolo LGU ang pamilya at tutulungan sila hanggang sa burol at libing ng rider bilang parte ng kanilang pakikiramay sa mga ito. 

Samantala, tiniyak naman ng alkalde na naisaayos na ang lugar na pinangyarihan ng insidente at ligtas na itong madadaanan ng mga motorista.