August 09, 2026

Home BALITA Probinsya

Bahay sa Zamboanga, pinaliguan ng tae habang may natutulog sa loob!

Bahay sa Zamboanga, pinaliguan ng tae habang may natutulog sa loob!
Unsplash

Nagulat at labis na nainis ang isang pamilya sa Purok 2, Barangay Poblacion, Mahayag, Zamboanga del Sur matapos umanong magtapon ng dumi ng tao ang isang hindi pa nakikilalang indibidwal sa loob mismo ng kanilang bahay habang sila ay natutulog.

Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi noong Sabado, Agosto 8, nang biglang magising ang pamilya matapos umano silang tamaan ng itinapong dumi na nagkalat sa kanilang kuwarto at ilang bahagi ng kanilang tulugan.

Dahil dito, napuno umano ng dumi ang bahagi ng kanilang tinutulugan, bukod pa sa matinding pangamba at pagkadismaya na idinulot ng insidente sa mga miyembro ng pamilya.

Hindi lamang umano abala sa paglilinis ang kinaharap ng pamilya matapos ang insidente, dahil nagdulot din ito ng pagkabahala sa kanilang kaligtasan habang iniisip kung sino ang posibleng gumawa ng naturang gawain at kung ano ang dahilan nito.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang taong nasa likod ng insidente, habang nananatili ring hindi malinaw ang motibo sa umano'y paghagis ng dumi sa loob ng bahay.

Probinsya

Estudyanteng umawat sa away-mag asawa, binaril!

Wala ring naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa naturang insidente at kung may iba pang pangyayaring maaaring konektado rito.