August 09, 2026

Home SHOWBIZ

Alvin Aragon, gigil sa mga taong 'di makapagsimba dahil sa ulan!

Alvin Aragon, gigil sa mga taong 'di makapagsimba dahil sa ulan!
Photo courtesy: Alvin Aragon/FB

Nagpahayag ng pagkadismaya si StarStruck alumnus Alvin Aragon sa mga taong hindi umano nakakapagsimba kapag malakas ang ulan.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Agosto 9, 2026, ibinahagi ni Alvin ang kaniyang saloobin tungkol sa mga taong pinipiling hindi na lamang magsimba dahil sa masamang panahon.

Para kay Alvin, hindi umano sapat na dahilan ang ulan upang tuluyang talikuran ang nakagawiang pagpunta sa simbahan, lalo na kung kaya namang gawin ang ibang personal na gawain sa kabila ng masamang panahon.

Inihalintulad pa niya ang sitwasyon sa karanasan ng mga unang Kristiyano na umano’y humarap sa mas mabibigat na panganib dahil sa kanilang pananampalataya.

“Ulan lang di kana nag church! Nung panahon nila Pedro pag lumabas ka at nalaman Christian ka papatayin ka. Ma offend kana kung maoofend ka!” ani Alvin sa naturang Facebook post.

Ermats ni Rene Baterbonia, 'di pa napapatawad ang Ateneo

Hindi rin pinalampas ni Alvin ang pagkakataong ihambing ang umano’y pag-uugali ng ilan kapag pera, pansariling interes at pagkakasala ang pinag-uusapan kumpara sa kanilang pagtrato sa usapin ng pananampalataya.

Ayon sa aktor, tila hindi alintana ng ilan ang ulan o baha kapag may kailangang gawin na may kaugnayan sa pera o sariling interes, ngunit kapag pagsisimba na ang pag-uusapan ay mabilis umano itong nagiging dahilan para umatras.

“'Pag pera wala kang pakeeleman kahit may bagyo! 'Pag kasalanan wala kang pake kahit bumabaha na! Pag tungkol sa Diyos… madaling i cancel! Aray ko sayo!” hirit pa niya.

Sa kaniyang mensahe, tila nais ding ipaalala ni Alvin sa kaniyang mga tagasubaybay na ang pananampalataya ay hindi lamang dapat isinasabuhay kapag maganda ang panahon o komportable ang sitwasyon.

Binigyang-diin niya sa pamamagitan ng isang Bible verse ang kahalagahan ng patuloy na pagtitipon at pagbibigay ng suporta at encouragement sa kapwa mananampalataya.

“Let us not neglect meeting together, as some have made a habit, but let us encourage one another, and all the more as you see the Day approaching. Hebrew 10:25,” aniya pa.

Samantala, hindi naman malinaw sa kaniyang post kung sino ang partikular na tinutukoy ni Alvin, o kung may partikular na insidenteng nag-udyok sa kaniyang komento.