August 08, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Jhong Hilario, minura ng netizen!

Jhong Hilario, minura ng netizen!
Photo Courtesy: Jhong Hilario (FB)

Nakatanggap ng malutong ngunit magalang na mura si “It’s Showtime” host Jhong Hilario mula sa isang netizen matapos nitong mapanood ang “Hand of God.”

Kabilang si Jhong sa cast ng nasabing pelikula na kalahok sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Sa latest Facebook post ni Jhong noong Biyernes, Agosto 7, makikita ang screenshot ng mensahe ng netizen.

"Just watch your cinemalaya entry. TANGINA MO PO!" anang netizen.

Kinuha namang pagkakataon ito ni Jhong para i-promote ang pelikula. Sabi niya sa caption, “NOW SHOWING!!! HAND OF GOD, an entry to this year’s Cinemalaya Film Festival. ”

Pelikula

Sinehan, binalot ng utot sa screening ng Spider-Man; mga manonood, pinalikas!

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ako nga naiinis ky janggo gabi-gabi tapos natatawa naman ky jhong tuwing tanghali. "

"oh he played a good villain"

"Isa lang ibig sabihin yan magaling pa din siya "

"panoorin ko soon para mamura ko din si jhong "

"He once had the best supporting actor in Muro Ami...no wonder ."

"Magalang naman haha" 

Nakasentro ang kuwento ng "Hand of God" sa sundalong nagtayo ng football post sa isang liblib na nayon sa katimugang bahagi ng Pilipinas na mapapalapit sa mga bata, lalo na kay Khaleel na bahagi ng terrorist group. 

Idinirek ang pelikula ni Mark Duane Angos at kasama dito ni Jhong sina Ruru Madrid, Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KD Omalin, at iba pa.